ТОП просматриваемых книг сайта:
Ikot . Морган Райс
Читать онлайн.Название Ikot
Год выпуска 0
isbn 9781632912510
Автор произведения Морган Райс
Серия Talaarawan ng Bampira
Издательство Lukeman Literary Management Ltd
“Pisikal ba ito?
Ang maglakad at tanggapin ang katatawanan
Ng malamig na umaga? Ano, may sakit ba si Brutus,
Makakatakas kaya siya sa kanyang pagkakahiga
Upang hamunin ang nakakalalasong gabi?”
--William Shakespeare, Julius Caesar
UNANG KABANATA
Laging hindi ikinasisiya ni Caitlin Paine ang unang araw sa bagong paaralan. Nariyan yung kelangan mong maghanap ng mga bagong kaibigan, kilalanin ang bagong mga guro at syempre pa kabisaduhin ang bago mong paligid. Nariyan din yung maliliit na bagay tulad ng pagkuha ng laker at amoy at tunog ng isang lugar na di ka pamilyar. Higit sa lahat, ayaw nya ng mga titig. Pakiramdam nya lahat nakatingin sa kanya. Pinagmamasdan ang kanyang bawat galaw. Nais lang naman nyang hindi kilalanin at pansinin. Ngunit laging hindi ito ang nangyayari. Hindi maintindihan ni Caitlin kung bakit siya ay kapansin-pansin sa tingin ng iba. Siya ay hindi katangkaran at may taas lamang na 5"5', may kulay kapeng buhok at mata at normal na timbang. Para sa kanya, sya ay pangkaraniwan lamang. Lalong hindi sya kasing-ganda tulad ng ibang mga kabataang babae. Sa kanyang edad na 18, hindi ito sapat upang sya ay mapansin.
Alam nyang mayroong isang dahilan kung bakit sya nagiging kapansin-pansin. Alam nyang iba sya ngunit hindi siya sigurado kung paano siyang iba.
At ang mas masahol pa sa unang araw sa bagong eskwelahan ay ang mag-umpisa sa kalagitnaan ng semestre. Kung kailan ang lahat ay nabigyan na ng pagkakataon na kilalanin ang isa't isa. Ngayon, sa kanyang unang araw sa kalagitnaan ng Marso, nararamdaman na nya na isa ito sa pinaka-panggit na araw sa buhay niya.
Hindi niya inakalang magiging ganito kasama. Marami na siyang nakita dati pero hindi katulad nito.
Nakatayo lang sya sa labas ng pampublikong eskwelahan sa lungsod ng New York. Malamig nang umagang iyon ng Marso. Bakit ako? Sa gitna ng gulo ng daang estudyante na nagsisigawan at nagtutulakan, napaka-ordinaryo ko. Hindi siya handa. Pakiramdam nya nasa bakuran siya ng bilangguan.
Masyado silang magulo. Sobra silang maingay at magmurahan. Aakalain mong may away kung hindi dahil sa ilang nakangiti at nagtatawanan. Hindi niya maintindihan kung san sila kumukuha ng lakas. Giniginaw siya, pagod at kulang sa tulog. Ipinikit niya ang kanyang mga mata. Nagbabakasakaling mawawala ang lahat ng gulong ito. Sinuot niya ang earphones ng kanyang ipod pero wala na pala siyang baterya. Kinuha niya ang kanyang cellphone ngunit wala namang tawag o bagong mensahe.
Pinagmasdan niya ang mga mukha ng mga nakapaligid sa kanya. Pakiramdam niya nag-iisa siya. Hindi dahil siya lang ang nag-iisang puti. Mas gusto nga niya iyon. Mas nagiging kaibigan niya pa ang iba ibang lahi kaysa sa katulad niya. Kaya hindi ito ang dahilan ng kanyang pag-iisa. Ito ay dahil nasa lungsod siya. Isang malakas na buzzer ang tumunog para lamang papasukin siya sa "panlibangang lugar" na ito. Napapaligiran siya ng naglalakihang gates na gawa sa metal at may mga barb wire sa itaas. Pakiramdam niya talaga nasa bilangguan siya.
Madali naman sya dating umangkop sa bagong lugar. Ang pinag-kaiba nga lang ang mga eskwelahan niya dati ay mga nasa labas ng lungsod. Sanay siya sa damuhan at maraming puno. Dito ay lungsod. Pakiramdam niya hindi siya makahinga. Natatakot siya.
Isa ulit malakas na buzzer ang tumunog. Kasama ng daang mga estudyante ay nag-umpisa siyang pumasok sa pasukan ng eskwelahan. Nabunggo siya ng isang malaking babaeng estudyante na ikinalaglag ng journal niya. Dinampot niya ito at naghintay ng paumanhin galing sa babae pero hindi na niya ito nakita. Ang narinig na lamang niya ay halakhak nito. Hindi niya alam kung para sa kanya ba ang halakhak na iyon.
Hinawakan niya ng mahigpit ang kanyang journal. Isang bagay na nakakatulong sa kanya mula pa pagkabata.
Sa wakas ay nakarating din siya sa mismong pintuan. Kinailangan niyang sumiksik para lamang magkasya. Para siyang nasa istasyon ng tren tuwing kadamihan ng tao. Nais lamang niya ay hindi na ganoong kalamig sa loob.
Dalawang naglalakihang security guards ang nakatayo sa may pintuan kasama ng dalawa pang pulis mula sa lungsod ng New York. May mga baril sila sa kanilang gilid.
"SIGE LANG, PASOK!" sabi ng isa sa mga security guard.
Hindi niya maintindihan kung bakit kailangang may pulis sa loob ng paaralan. Lalo niya itong ikinatakot. Dagdagan pa ng kailangang pagdaan sa metal detector. Istilo ng ginagawa sa mga paliparan.
Apat pang mga pulis ang nakatayo sa magkabilang gilid ng metal detector at dalawa pang security guards.
"ALISIN NINYO ANG LAMAN NG MGA BULSA NINYO!" sigaw ng isang guard.
Napansin ni Caitlin ang ibang mga estudyante na naglalagay ng kanilang mga gamit sa isang plastik na lalagyan. Ganun din ang ginawa nya sa kanyang ipod, pitaka at susi.
Dumaan siya sa detector. Umalarma ito.
"IKAW! DITO KA SA TABI" sigaw ng guard sa kanya.
Lahat ng mga estudyante ay nakatingin sa kanya habang pinapadaanan siya ng handheld detector.
"May suot ka bang alahas? "
At doon niya naalala ang kanyang krus na kuwintas.
"Hubarin mo iyan!" sigaw ng guard.
Kuwintas ito na bigay ng kanyang lola bago ito pumanaw. Bigay din daw ito ng lola niya. Isang maliit na krus na gawa sa pilak na may nakaukit na mga salitang Latin. Hindi na ito naisalin ng kanyang lola. Hindi siya relihiyosa pero alam niya ang kahalagahan nito na daang taon na sa kanilang pamilya. Ito lang marahil ang pinakamahalagang pag-aari niya sa ngayon.
Itinaas lamang niya ito at sinabi sa guard na hindi niya ito huhubarin.
Tinitigan siya ng guard nang masama. Hanggang sa biglaan na lang nagkagulo. May mga nagsisigawan habang may isang pulis na humablot sa isang payat at matangkad na lalaking estudyante at iniharap ito sa may dingding. Nakakuha siya ng isang maliit na kutsilyo mula dito.
Tumulong ang guard na tumititig kay Caitlin. Siya namang alis niya papasok sa eskwelahan kasama ng karamihan ng mga estudyante patungo sa may bulwagan.
Maligayang pagdating sa pampublikong paaralan sa lungsod ng New York! Magaling!
Hindi na siya makapaghintay para sa kanyang pagtatapos.
Hindi siya makapaniwala sa laki ng bulwagan nila. Ganun pa man, nakuha pa rin nitong mapuno ng mga estudyante, balikat sa balikat. Tingin niya ay may libong estudyante doon. Puro mukha ang nakikita niya. At mas maingay at magulo pa dito. Gusto niya sanang takluban ang mga tenga niya ngunit
imposibleng gawin ito. Dahil sa sikip, hindi niya maitataas ang kanyang mga siko.
Tumunog