ТОП просматриваемых книг сайта:
Ang Pakikipagsapalaran ng mga Bayani . Морган Райс
Читать онлайн.Название Ang Pakikipagsapalaran ng mga Bayani
Год выпуска 0
isbn 9781632912503
Автор произведения Морган Райс
Серия Singsing ng Salamangkero
Издательство Lukeman Literary Management Ltd
"Ginoo!" Sigaw ni Thor.Napatingin ng masama ang ama ni Thor ngunit wala na itong pakialam.Tumigil ang pinuno at daan dahanang tumingin kay Thor.Lumapit sa Thor at nilakasan na ang kanyang loob."Hindi niyo pa po ako nabibigyan ng pagkakataon. ",ang sabi ni ThorTiningnan ng pinuno si Thor na animoy nagbibiro lamang ito."Hindi pa ba?" Tanong ng pinuno bago ito tumawa ng malakas.Nagsitawanan din ang ibang mga tauhan ngunit hindi ito pinansin ni Thor. Ito lang ang tangi niyang pagkakataon kaya hindi niya ito palalampasin."Nais ko pong sumali sa Legion" ang sigaw ni Thor.Lumapit ang pinuno kay Thor."Alam mo ba?"Nagulat ang pinuno."Nasa labing apat na taon ka na ba?""Opo, dalawang linggo na po ang nakararaan.""Dalawang linggo?"Nagsitawanan nanaman ang mga mandirigma."Kung gayon, dapat ka palang katakutan ng mga kalaban kapag nakita ka nila"Kailangang gumawa ng paraan ni Thor. Hindi maaring matapos ito ng ganito. Patalikod na ang pinuno ngunit hindi ito hahayaan ni Thor.Sumigaw si Thor sa pinuno "ginoo, nagkakamali po kayo!"Takot na nagbulong bulungan ang mga tao sa kanilang narinig."Nasisiraan ka na!" Sabi ng ama ni Thor habang hinihila niya si Thor sa braso. "Pumasok ka na sa loob"."Ayoko!" Sigaw ni thor.Lumapit ang pinuno at lumayo ang ama ni Thor."Alam mo ba kung anong kaparusahan sa sino mang iinsulto sa Silver?"Kabadong kabado si Thor ngunit hindi siya maaring tumigil."Patawarin niyo po siya", pakiusap ng ama ni Thor " bata pa po siya at…""Hindi ikaw ang kinakausap ko!" Sigaw ng pinuno kaya napilitang lumayo ang ama ni Thor.Ibinalik ng pinuno ang tingin kay Thor."Sumagot ka!" ang sabi niya."Ang paginsulto sa Silver ay paginsulto sa Hari " sagot ni Thor"Tama" ang sabi ng pinuno. "Ibig sabihin, maari kitang pahirapan ng husto kung pipiliin kita.""Hindi ko po kayo iniinsulto" sabi ni Thor. "Gusto ko lamang pong mabigyan ng pagkakataon at mapili. Pakiusap. Buong buhay ko po itong pinangarap. Pakiusap. Hayaan niyo po akong sumali sa inyo."Tinitigan siya ng pinuno at unti unti ay nagbago ang mukha nito. Umiling ito."Bata ka pa. Matibay ang kalooban mo. Ngunit hindi ka pa handa. Subukan mo na lamang ulit kapag handa ka na"Agad umalis ang pinuno patungo sa mga karwahe. Hindi na niya tiningnan ang iba pang mga nasa linya.Hindi makapaniwala si Thor. Agad silang umalis at nawala kasing bilis ng pagdating nila.
Ang huling nakita ni Thor ay kanyang tatlong kapatid na nakasakay sa isa sa mga karwahe. Nakatitig ang mga ito sa kaniya habang papalayo patungo sa mas mabuting buhay.Sa loob ni Thor, para siyang mamamatay.Habang papalayo ang mga karwahe ay unti unti na ding nagsipasok ang mga tao sa kani kanilang mga bahay."Alam mo ba kung anon kahibangan ang ginawa mo? " sigaw ng ama ni Thor habang mahigpit na hinawakan ang braso ni Thor. "Alam mo bang muntikan mo ng masira ang tyansa para sa mga kapatid mo?"Sinubukang umiwas ni Thor ngunit nagpumilit ang ama nito. Tumingin si Thor sa ama. Sa unang pagkakataon, parang may sumisigaw sa loob ng kanyang katawan para suntukin ang kanyang ama. Ngunit pinigilan niya ito."Balikan mo ang mga iniwan mong tupa. Hindi ka rin kakain ngayon gabi. Pagisipan mo kung anong ginawa mo""Hindi na ako babalik," sigaw ni Thor bago siya umalis papalayo.
"Thor!"sigaw ng ama. Ang ilan sa mga taga nayon ay tumingin at nakinig.
Nagsimulang magtatakbo si Thor,nagnanais na agad makalayo sa lugar na iyon. Hindi na niya napansin na siya umiiyak. Napuno ng luha ang kanyang mga pisngi, habang ang kanyang pangarap ay tuluyan ng nadurog at naglaho.
IKALAWANG KABANATA
Ilang oras nagpalaboy laboy si Thor sa mga burol hanggang sa tumigil it at umupo, nakayakap sa kanyang mga paa, habang nakatingin sa malayo. Pinanuod niya habang mawala sa kanyang paningin ang mga karwahe.Wala ng pagkakataon na dadating. Ngayon ay nakatadhana na siyang manatili sa nayon na iyo buong buhay niya at maghihintay ng susunod na pagkakataon,kung muli silang babalik. Kun papayagan siya ng kanyang ama. Ngayon, sila na lamang ng kanyang ama at siguradong ibubunton ng kanyang ama ang lahat ng kanyang galit sa kanya. Patulo siyang magiging utusan ng kanyang ama, dadaan ang mg taon, at magiging katulad na lamang siya ng kanyang ama, habang buhay sa bayan na ito habang ang kanyang kapatid ay mamumuhay sa kanyang pangarap. Naginit an buong katawan ni Thor. Hindi ito ang buhay na ninanais niya.Pinilit ni Thor isipin kung anon maari niyang gawin upang mabago pa ang lahat. Ngunit wala. Ito na marahil ang kanyang tadhana.Pagkatapos ng ilang oras na pagupo, bigla siyang tumindig at umakyat sa pamilyar na mga burol sa kanyang daan. Lumakad siya paakyat upang balikan ang mga alaga niyang tupa. Unti unti ng palubog ang araw. Habang naglalakad ay inabot niya sa kanyang baywang ang maliit na sakong nakakabit sa kanya. Laman nito ang ibat ibang klase ng bato na nagin koleksyon ni Thor na nagmula sa ibat ibang bahagi ng mga burol. Minsan ginagamit niya ang mga bato para humili ng ibon o kaya naman ay mga daga. Isa ito sa kanyang mga naging libangan. Noong una ay lagi siyang hindi makatama hanggang sa matutunan na niyang makabato sa mga gumagalaw na mga bagay. Simula noon, naging mahusay na siya sa pagtantsa at pagsapul. Naging bahagi na iyon ng kanyang buhay dahil ginagamit niya ito upang maglabas ng galit at sama ng loob. Kung kaya man ng kanyang mga kapatid na gumamit ng espada, malamang ay hindi nila kayang bumato ng isang lumilipad na ibon.Kumuha si Thor ng bato at inilagay sa kanyang tirador. Itinapat niya ito sa malayo na akala mo'y papatamain niya sa kanyang ama. Natamaan niya ang isang sanga ng puno at agad itong naputol. Ng mapagtanto niya na kaya niyang pumatay ng mga gumagalaw na hayop ay itinigil na niya ang pagsapul sa mga ito. Takot sa sarili niyang lakas at ang makasakit ng kung sino man,kaya ang pinatatamaan na lamang niya ay ang mga sanga ng puno. Maliban na lamang kung isang lobo ang gustong kainin ang kanyang mga alagan tupa. Sa paglipas ng panahon, wala na ni isang lobo ang gustong lumapit sa mga tupa ni Thor,kaya naman ang mga tupang ito ang pinakaligtas sa buong nayon.Biglang pumasok sa isip ni Thor ang kanyang mga kapatid at naisip kung anong ginagawa ng mga ito ngayon. Matapos ang isang araw na Pakikipagsapalaran, makakarating na sila sa kaharian. Nakikita ni Thor ang imahe ng kanilang pagdating kasabay ng pagsalubong ng mga taong nakabihis ng maganda habang binabati ang mga bagong napili, ang mga tauhan ng kaharian at ang mga miyembro ng Silver. Doon na sila maninirihan, bibigyan ng lugar na matutuluyan kasama ang ibang miyembro ng Legion. Isang lugar kung saan sila sasanayin na humawak ng mga dekalidad na mga sandata. Bawat bagong pili ay ipapareha sa isang mandirigma upang siyang magsanay dito. At balang araw, ay magiging mandirigma na rin sila,magkakaroon ng mga bagong armas at magsasanay ng mga bagong pili. Makikihalubilo sila sa mga kasiyahan sa kaharian at makikisalo sa hapag ng hari. Ito ang klase ng buhay ng pinangarap ni Thor at lahat iyon ay nakawala na sa kanyang mga palad.Nakaramdam si Thor ng pisikal na panghihina, ngunit sa tingin niya ay nasa isip niya lamang ang lahat. Ngunit hindi. May bahagi ng kanyang pagkatao na sumisigaw sa kanya. Sinasabihan siya na huwag sumuko,na hindi ito ang kanyang tadhana. Hindi niya alam kung saan iyon nanggagaling ngunit alam niyang wala ito doon sa tabi niya. Naramdaman niyang siya ay kakaiba. Walang makakaintindi sa kanya. Dahil lahat ay minaliit siya.Narating ni Thor ang tuktok ng pinakamataas na burol at kanyang nakita ang mga alagang tupa. Sinanay sila ng mabuti kaya magkakasama pa din ang mga ito habang kumakain ng kahit anong damo na kanilang makita. Binilang niya ang mga ito habang tinitingnan ang mga pulang markang kanynag inilagay sa mga likod nito. Bigla siyang natigilan. Isang tupa ang nawawala.Bunilang niya ito ng paulit ulit. Hindi siya makapaniwala. Isang tupa ang nawawala.Hindi pa nangyari ito noon at hinding hindi ito palalampasin ng kanyang ama. Ang masama pa dito, hindi niya gusto ang ideya na nagiisa at nawawala ang kanyang tupa. Ayae niyang makakita o isipin na nagdudusa ang isang inosenteng nilalang.Agad siyang tumayo pataas at hinagilap ang nawawalang tupa. Hanggang sa matanaw niya ito sa kabilang burol,ang nagiisang tupa, na may pulang marka sa likod nito. Ito ang pinaka mailap sa lahat ng kanyang mga alaga. Nalaglag ang kanyang puso ng kanyang mapagtanto na ang nawawalang tupa ay napadpad sa pinakamadilim na kagubatan sa bandang kanluran.Napalunok sa takot si Thor,dahil ang madilim na kagubatan na iyon ay hindi lamang oinagbabawal sa mga tupa, kundi pati sa mga tao. Lampas na ito sa nasasakupan ng kaharian at bago pa man siya makalapit dito ay napagtanto niya na hindi siya dapat pumunta doon. Ayon sa mga alamat at mga sabi sabi, ang pagpunta sa kagubatan na iyon ay maghahatid ng tiyak na kamatayan dahil napapalooban ito ng mga nakakatakot na mga nilalang.Unti unti ng dumidilim ang kalangitan. Hindi niya maaring iwan ang kawawang tupa. Marahil kung siya ay kikilos ng mabilis, baka makuha niya kaagad